Mga Pahina

Lunes, Abril 09, 2012

"Be glad today..."

"Be glad today. Tomorrow may bring tears. Be brave today. The darkest night will pass. And golden rays will usher in the dawn." S. K. Bolton

Linggo, Abril 08, 2012

PINAMASAGAN, SN FRNDO -- A Beach Escapade




Just got home from 1 day vacation at Pinamasagan, San Fernando with my family and relatives. It was my first time to go to the place and to ride in a boat. We went there to visit our family friends.  From the Pasacao Port, it took us one hour to reach the place. The travel was totally safe (obviously, hhe. Hindi sana ako nagblogblog kung lumubog yung bangka. :P) -- breathtaking view of the blue ocean and gigantic rock formations along the seashores.
 

Picture taking at the boat while sailing. (Behind me, Miss Conchina :) It was really my first time to embark in a boat and had the travel in the ocean for almost one hour.
 Quietly, I was wonderin'. What if, the boat might sink. Can I save myself from drowning or not? What will I do if this really happen? Will I be able to take some picture underwater and be able to upload it in facebook or not?  Hehe. Just some pigments of my imagination. That's how creative individual thinks. Nyahahaha! :D Just kiddin'!

The reddened sunlight as scattered in the clouds.

I was able to witness the beauty of the sunset in the west part of the place. It was indeed a relaxing and romantic place for me to get rid from the stress and worries.

Not white sands, but white stones.

My cousin and I planned the next morning to jog along the seashores. But, we failed to do it. (Mahirap kaya mag-jogging sa mabato. Hehe :P) Instead, we just had fun walk early in the morning while collecting pebbles and rocks.

From left to right: Ms. Josephine Conchina, my Tita Elena Villaflor, my cousin Michael Villaflor  and                                 my lola Teofila Tosoc.








This was the boat we used going back to Pasacao Port.

:))

Biyernes, Abril 06, 2012

BOKEH iMAGE

"hindi ako bulag, malabo lang." - chantosoc


Sa mga curious, ganito kalabo ang nakikita ko sa mga sasakyang dumadaan sa highways (bokeh effect lang nuh?! Hhe). Ang larawan ay kuha noong miyerkules santo habang hinihintay namin dumaan ang prusisyon.

Naaalala ko pa noon noong wala pa akong salamin, palagi akong nasa pinakaunahang upuan ng klase dahil may special seat nga para sa mga nearsighted tulad ko. 2nd year high school na rin ako nun nagpasalamin.

Ilang beses na rin ako noon napagalitan ng Grade 4 Science teacher ko kasi sa tuwing may ipapabasa siya sa pisara, eh, lalapit pa ko sa may unahan para mabasa. Pero sa pagiging inconsiderate niya, sinisigawan niya ko na, “stay at your seat.” (nasa bandang likuran pa ang upuan ko noon). Kaya minsan, minabuti ko nalang wag magtaas ng kamay para magbasa. Apektado naman ang grade ko. Pfft.

Hanggang ngayon, may mga nagsasabi pa rin na mas gwapo raw ako pag walang salamin (mabilis naman akong naniniwala, nyahahaha!) . Pero hindi ko isusugal na tanggalin ang salamin ko para lang maging gwapo kung ang kapalit naman ay malabong paningin (hhe! :PP). Paano kung hindi nga ako mag-salamin, eh kung masasagasaan naman ako pagtawid ng kalsada, eh kung hindi ko na makita ang kagandahan ng mga crush ko (tulad ni babygurl ng xavier –hihi), eh kung, eh kung at eh kung?!

I wear my eyeglasses because I want to see things my way.”

Binalak ko na rin mag-contact lens. Kaya lang, matutulugin kasi ako kaya baka delikado. Hihintayn ko nalang yung pagkakataon na magkaroon ako ng thousand pesos para makapa-laser. Hehe! Malay natin, makita ako ng ibang kaibigan at kamag-anak ko isang araw na hindi na gumagamit ng salamin. :p

Martes, Abril 03, 2012

CARAMOAN WITH LOVE

CARAMOAN WITH LOVE 
February 2012
Celebration of love . My brother Jayson with his gorgeous wife, Ella, celebrated their love at one of the beautiful islands of Caramoan. 










"the hearts that love is always young."












A Paradise to visit. These pictures were taken by my brother at the Caramoan. I really love to visit here to see those gigantic rocks, white sands and paradise-like islands. My sister and I are planning to visit here this coming April. I want to witness the beauty of the place that will surely give pleasure to my eyes. (Fingers crossed) I am really hoping to give myself a break after the 4 years of my academic activities and stuffs. And this visit will be one of the greatest gifts I will be receiving this graduation. :D
 



Huwebes, Marso 29, 2012

FRIENDS ARE LIKE MEDICINES





My pungits are like medicines.
They don't have dosages nor price. Free yan!

My ANTI-CONVULSANT, to tell me 
“relax ka lang”.

My ANTIBIOTIC, to tell me, 
“ipaglalaban kita”.

My ANALGESIC, to tell me, 
“Ok lang yan, I'm here to relieve the pain”.

My MULTIVITAMINS, to tell me, 
“ingat ka lagi”.

Pero, dumating na yung expiration date nila. Hai. Pfft. :/ Maraming salamat sa panahong nandiyan kayo. Labmuch Pungits. :,)) Sa uulitin.








PICTURE FADES, MEMORIES DON'T


This is one of my favorite pictures I have (with my manay, Nagj Codia). The camera lens has raindrop that results to foggy picture. If I will be giving this picture a caption, it would be this way, “The picture fades but the memories last forever.” At this very moment, I am still very sentimental reminiscing the moments with my college friends, my beloved pungits. I started missing them already.

Those memories...

Too many hands in one big chip.
Too many mouths in one bottled water.
Too many laughter in one joke.
Too many hugs in one problem.
Too many voices in one song.
Too many whispers in one gossip.
Too many smiles in one picture.
Too many kisses in one big victory.
Too many memories in great friendships.

Lunes, Marso 26, 2012

GRAD – WHICH WAY? - TION


Dalawang araw matapos maganap ang pinakahihintay kong graduation ceremony ko sa college, ngayon ay nakaupo ako kaharap ang laptop, habang nagbabasa ng mga facebook posts ng ilang graduates tungkol sa kanilang mga graduation experiences; at nag-viview ng mga pictures nila. Habang ginagawa ko ito, mas nagiging sentimental ako sa mga ala-alang iniwan sakin ng mga kaibigan ko, ng beloved kong Ateneo, at ng mga butihing kong mga guro.

Nangyayari na ang pinaka kinakatakutan ko, “the feeling of being lost”. Pero sabi nila, normal lang naman ang ganitong pakiramdam pagkatapos mag-graduate. What's next? Ano na nga bang daan ang naghihintay sakin bukas? Rough road ba? O sementado na kaagad? Zigzag roads ba na may mga signs that say “Slow down, accident prone area” o “Slippery when wet”? O tuwid na daan kaagad? May humps ba? At sino ang mga taong makakasalubong ko sa mga daan na ito? Sinong makikisabay sa byahe ko, at sino ang hindi makakatagal kasama ako? Saan ba patungo ito? These are just some questions that really challenge me to have the doors of opportunities and risks.

This graduation is not an ending, it is a beginning. And “Beginnings are always hard.”

Sa puntong ito, sisimulan ko na ang paghanap ng mga kasagutan sa mga katanungang meron ako. At sa pagkawala kong ito, I will never be tired to find the best places for myself. Happy graduation sa akin. Hehe. :)

Lunes, Marso 05, 2012

MINE IS CLOUDS

                                     “All of us have a place in history. Mine is clouds.” -Richard Brautigan-

Linggo, Marso 04, 2012

BLOGGING STARTS WITH WHAT?


Paano ba sinisimulan ang blog? Anyone? It's the 4th day of March, year 20 and 12, sunday. Nakaupo ako ngayon sa harap ng laptop habang pinipiga ang isip kung anong pwedeng maisulat para sa una kong blog. (At the same time, nagna-9gag mode, multitasking lang. Hihihihi). Sabi sakin noon, kung magsusulat daw ako ng anumang uri ng sulatin, dapat ko raw munang gawin ang isang ritwal. Itinuro 'to sakin ng boss ko nung internship. He said, “Chris, you should think first of the greatest moments or experiences of your life before writing anything.” Ang totoo, hindi naman talaga sa wikang Ingles niya sinabi yun. Nyaha! Anyway, he explained, that with those great memories of mine, I can write with positivities. Positivities na tutulong sakin para mapiga ang mga creative juices ko, kung meron man. Sa mga sandaling ito, ginagawa ko na ang ritwal. Honestly.

Crock! Crock! Crock! (sound of crickets)

After 23 minutes. Baka maubos lang ang araw ko sa kakaalala ng mga greatest experiences ko at hindi na ko makasulat. (Para sa nagbabasa dyan) Dora's way of speaking --- Ola! Tulungan mo ko mag-isip ng mga moments? Meron ka bang naaalalang good memories with me? (Limang secondo na titigil) Very good! Hihihi... Interactive lang??

Kung tatanungin kung bakit ako nagsimula na mag-blog, eh maybe, this would be a start to post and share any entries of my life experiences and journeys. This will be the time para naman mabasa ng ibang tao kung ano at sino ako sa pamamagitan ng mga journals na isusulat ko. And with these, baka may matutunan sila (hopefully) mula sakin, if meron man. And actually, nagblog ako dahil nainggit din ako sa mga kaibigan kong nagbloblog. Hehehe. But, see? Meron din kayang nabibigay na magandang dulot ang inggit. Dahil sa inggit, nagsimula na ko mag-blog. Which means, I can excercise my creativities, imaginations and mental abilities to write and think beyond any limitations.

But going back to my question that says, ano ba talaga ang pwedeng maisulat bilang panimula sa isang blog? Pagpapakilala ng sarili? Hmmm, nope. I don't think so. Dahil kung ibibigay ko kung sino at ano ako, maaaring pindutin ng kahit sino mang mambabasa diyan, as in mambabasa diyan ang “Close tab” button. Maybe because, they would find it quite boring to tell them those informations about me. Tsaka this is not a bio-data to share those stuffs. For me, my daily journals will be the puzzle pieces for others to know me. (Corny ba?!) Hehe.

Anyway, hindi pala madaling simulan ang magkaroon ng blog. Pero, ganito naman yata talaga ang nagsisimula. Sa susunod na mga journals ko, sana mas maging magaling pa ako magsulat. Tagal na rin kasi akong hindi nakapagsusulat. Mabuti nalang, I was effectively influenced ng mga kaibigan kong matagal nang nag-bloblog. Atleast, meron na kong lugar ng pagbubuhusan ko ng mga kaligayahan, kasaganahan, kalungkutan, kasawian at kasiyahan ko at kung ano pa mang kakakaka ko sa buhay,

:))

I will end this first journal by sharing you the qoute that says,
Your blog is what you say when there is nobody standing over your shoulder telling you what to do.” - LORELLE