Mga Pahina

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na all about NAHC. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na all about NAHC. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Setyembre 25, 2012

HONORED NINJA MODE

The Baby Naruto of Tosoc Clan. This photo was taken from my nephew's 1st birthday party last August 2012 wearing his yellow and orange suit as an imitation to Naruto's appearance.

The Addict Fan. I tried to photograph myself wearing a ninja-like suits (Konoha Head Protector that costs 250php purchased at Comic Alley, Manila branch; and a Jacket). FYI: I was trying to imitate Shino of Naruto Shippuden. :p

I am a big fan of a Naruto Shippuden. Seeing the picture above this text, it's not that obvious, 'ayt? Hhe. I'm watching this Anime since I can still remember. 'Till now, I'm still an enthusiastic fan of it. I am totally fascinated with it's unique stories, extraordinary moves and techniques, and their rare appearances. That is why I am still waiting to watch new episode online every thursday. (To those who want to watch the episodes, visit narutoget.com).

Miyerkules, Agosto 01, 2012

ANONG KULAY...?


MY RUBIK'S CUBE


NAPADAAN AKO SA NATIONAL BOKKSTORE PARA MAKABILI NG LIBRONG GUSTONG GUSTO KONG MABASA. SA HINDI KALAYUAN, NAPANSIN KO YUNG KINABABALIWAN KO AT NG MGA KAIBIGAN KO NOONG HIGH SCHOOL --- RUBIK'S CUBE. (FLASHBACKS HAPPENED). ITO ANG NAGPAALALA SAKIN SA MGA NAGDAANGKONG MGA PANAHON. ANG HIRAP ISIPIN NA NABUBUO KO NOON ANG RUBIX CUBE. NAPABILI TULOY AKO NANG BIGLAAN (FOR FUN).

HABANG BINUBUO KO ANG CUBE, HIRAP NA HIRAP NA AKONG GAWIN ULIT ITO. ANYARE? EH, SA WALA NANG PRACTICE. KAYA NAG-ABALA AKONG I-CHECK SA INTERNET KUNG PAANO NA ULIT ITO MABUO. NANARIWA ULIT ANG GALING KO DITO.

SUBALIT, MAS MALALIM PA PALA ANG MAIBIBIGAY NA KAHULUGAN SAKIN ANG PAGBILI ULIT NG RUBIX CUBE BUKOD SA MAGPAPAALALA ITO SA MGA LIPAS NA PANAHON. NAPAISIP AKO. ANG RUBIK'S CUBE AY PARANG ISANG PAGKATAO. MAY IBA'T IBANG KULAY NA BUMUBUO DITO PARA MATAWAG NA RUBIK'S CUBE. KUNG BAGA SA TAO, MAY MGA KWENTONG NAKAYAKAP PARA NA NAGPAPABUO SA PAGKATAO.

BLUE/YELLOW (SYMBOLIZES OPTIMISM) --- MAGAAN SA MATA ANG KULAY NA ITO. KAYA, GANUN NA LAMANG ANG PAGKAPABORITO KO DITO. KAYA PALA, NAPAKAPOSITBO KONG TAO. AKO ANG TIPONG HINDI AGAD NAWAWALAN NG PAG-ASA. (99% MISCHANCE AT 1% CHANCE) --- ITO MINSAN ANG PROPORSYON SA IBA KONG MGA PROBLEMA. PERO PARA SAKIN, ANG 1% CHANCE AY MANANATILING CHANCE, KAHIT 1% LANG ITO. A CHANCE IS A CHANCE. (THE POSSIBILITY OF FUTURE SUCCESS).

SUCK LESS TO SUCCESS.”

ORANGE --- KADALASANG KULAY NG PAPALUBOG NA ARAW. (SUNSET: THE SUN FALLS BELOW THE HORIZON) METHAPHORICALLY, AN ENDING. LAHAT NG BAGAY AY MAY KATAPUSAN. PERO LAHAT AY MAY KATAPAT NA SIMULA. GUSTONG GUSTO KO ANG PAGSILIP SA PAPALUBOG NA ARAW. NGUNIT HINDI IBIG SABIHIN NA GUSTO KO ANG PAGTATAPOS NA ITO. DAHIL ALAM KONG SISIKAT AT SISIKAT DIN ITO KINABUKASAN. SA LAGAY KO, TAPOS NA KO NG PAG-AARAL. SUNOD AY ANG PAGHANAP BUHAY. “ANG PAGHAHANAP NG MISMONG BUHAY.” ANG SIMULA NG PAGTUPAD SA MGA NAUNANG MGA PANGARAP NA BINUO KO NOON.

GREEN --- LUNTIAN. ITO ANG KULAY SA KAPALIGIRAN (KAY MOMMY NATURE). TINATAWAG KO ANG SARILI KO NA SOMEHOW ECO-WARRIOR. NASASABI KO TO DAHIL NASASAKTAN AKO SA TUWING NAKAKAITA AKO NG MGA TAONG UMAABUSO RITO. PERO HINDI AKO TULAD NG IBA NA HANGGANG GALIT LANG AT WALANG GINAGAWANG PARAAN PARA MAKATULONG. KAMI AY MAY JUNK SHOP. IPINAGMAMALAKI KO TO. NALIWANAGAN AKO NA HINDI DAPAT IKAHIYA ANG BUSINESS NA ITO. KUNG TUTUUSIN, KAMI ANG NAGIGING ISANG DAAN PARA MAPAKINABANGAN PA ANG MGA PATAPONG LATA NG SARDINAS, BOTE NG MGA INUMING MINERAL AT MAGING ANG MGA BAKAL NA HINDI NA MAPAPAKINABANGAN. NAKAKATULNG NA SA KAPALIGIRAN, NAGIGING PERA PA. LAGI KONG SINASABI SA SARILI KO NA SANA MAISABI KO SA NAKAKARAMI ANG SIKAT NA KASABIHANG “WE DID NOT INHERIT THE EARTH FROM OUR ANCESTORS, WE BORROW IT FROM OUR CHILDREN.” ISANG KASABIHANG MAPAPASABI KANG, “OO NGA NOH?!” SANA ISA KAYO SA MGA MAPAPASABI NITO.

RED --- (SYMBOLIZES ALL THINGA INTENSE AND PASSIONATE) AKO ANG TIPO NG TAO NA KAPAG ANG GUSTO ANG ISANG BAGAY, NAGIGING MAS PASSIONATE AKO. YUN LANG, BASTA PASSIONATE AKO. PERIOD. :p

WHITE --- ANG PUTI AY HINDI KAILANMAN MANANATILING MAPUTI. DARATING AT DARATING ANG PUNTONG MADUDUNGISAN ITO. PARANG ISANG TAO. “WALA. WALA NAMAN. WALA NAMANG PERPEKTONG TAO”, AYON SA KANTA NI DONG ABAY. NGUNIT SA MANTSANG ITO, DITO NATUTUTO ANG TAO KUNG PAANO MAGING ISANG TAO. SA MANTSA NAHUHUNOG ANG SARILI. AKO'Y HINDI PERPEKTONG TAO. SA HALIP, GINAGAWA KO ANG LAHAT PARA MAGING ISA SA MGA PINAKAMAHUSAY.

Biyernes, Hulyo 20, 2012

"RAINY DAYS ARE HERE AGAIN"

                                                                             RAINY DAYS MAKE FLOWERS.                                                                     "Let the rain kiss you. Let the rain beat upon your head with silver liquid drops. Let the rain sing you a lullaby. - Langston Hughes

Some people walk in the rain, others just get wet. - Roger Miller

The best thing one can do when it's raining is to let it rain. - Henry Wadsworth Longfellow

Anyone who says sunshine brings happiness has never danced in the rain. - Author Unknown
I remember a text message sent to me by a special friend that says, "Kung umuulan at wala kang payong o masisilungan, i-enjoy mo nalang ang ulan."

Rainy days story of mine: It was an unforgettable fine afternoon, walking in a park with the special girl some time I loved. I was so happy that time being with her in that moment. Suddenly, it began to rain. The raindrops started to kiss our faces and began to embrace our souls. We don't have any umbrellas to use. I was little bothered as I thought that she will be mad if she gets wet. So I whispered, "let's just enjoy the rain." She just agreed to my suggestion. And it made my heart so romantic. We ended the day with smiles and laughter. And for me, it was a magical day to remember. :)

THE OTHER SELF


"I tell myself that it is not me,
It’s some unknown wriggling entity.
Wrapping itself around my bones.
Chewing up my wants,
Directing whims, true loves."

FROM THE OTHER SELF - POEM
BY PAUL WISEALL

Biyernes, Abril 06, 2012

BOKEH iMAGE

"hindi ako bulag, malabo lang." - chantosoc


Sa mga curious, ganito kalabo ang nakikita ko sa mga sasakyang dumadaan sa highways (bokeh effect lang nuh?! Hhe). Ang larawan ay kuha noong miyerkules santo habang hinihintay namin dumaan ang prusisyon.

Naaalala ko pa noon noong wala pa akong salamin, palagi akong nasa pinakaunahang upuan ng klase dahil may special seat nga para sa mga nearsighted tulad ko. 2nd year high school na rin ako nun nagpasalamin.

Ilang beses na rin ako noon napagalitan ng Grade 4 Science teacher ko kasi sa tuwing may ipapabasa siya sa pisara, eh, lalapit pa ko sa may unahan para mabasa. Pero sa pagiging inconsiderate niya, sinisigawan niya ko na, “stay at your seat.” (nasa bandang likuran pa ang upuan ko noon). Kaya minsan, minabuti ko nalang wag magtaas ng kamay para magbasa. Apektado naman ang grade ko. Pfft.

Hanggang ngayon, may mga nagsasabi pa rin na mas gwapo raw ako pag walang salamin (mabilis naman akong naniniwala, nyahahaha!) . Pero hindi ko isusugal na tanggalin ang salamin ko para lang maging gwapo kung ang kapalit naman ay malabong paningin (hhe! :PP). Paano kung hindi nga ako mag-salamin, eh kung masasagasaan naman ako pagtawid ng kalsada, eh kung hindi ko na makita ang kagandahan ng mga crush ko (tulad ni babygurl ng xavier –hihi), eh kung, eh kung at eh kung?!

I wear my eyeglasses because I want to see things my way.”

Binalak ko na rin mag-contact lens. Kaya lang, matutulugin kasi ako kaya baka delikado. Hihintayn ko nalang yung pagkakataon na magkaroon ako ng thousand pesos para makapa-laser. Hehe! Malay natin, makita ako ng ibang kaibigan at kamag-anak ko isang araw na hindi na gumagamit ng salamin. :p

Lunes, Marso 26, 2012

GRAD – WHICH WAY? - TION


Dalawang araw matapos maganap ang pinakahihintay kong graduation ceremony ko sa college, ngayon ay nakaupo ako kaharap ang laptop, habang nagbabasa ng mga facebook posts ng ilang graduates tungkol sa kanilang mga graduation experiences; at nag-viview ng mga pictures nila. Habang ginagawa ko ito, mas nagiging sentimental ako sa mga ala-alang iniwan sakin ng mga kaibigan ko, ng beloved kong Ateneo, at ng mga butihing kong mga guro.

Nangyayari na ang pinaka kinakatakutan ko, “the feeling of being lost”. Pero sabi nila, normal lang naman ang ganitong pakiramdam pagkatapos mag-graduate. What's next? Ano na nga bang daan ang naghihintay sakin bukas? Rough road ba? O sementado na kaagad? Zigzag roads ba na may mga signs that say “Slow down, accident prone area” o “Slippery when wet”? O tuwid na daan kaagad? May humps ba? At sino ang mga taong makakasalubong ko sa mga daan na ito? Sinong makikisabay sa byahe ko, at sino ang hindi makakatagal kasama ako? Saan ba patungo ito? These are just some questions that really challenge me to have the doors of opportunities and risks.

This graduation is not an ending, it is a beginning. And “Beginnings are always hard.”

Sa puntong ito, sisimulan ko na ang paghanap ng mga kasagutan sa mga katanungang meron ako. At sa pagkawala kong ito, I will never be tired to find the best places for myself. Happy graduation sa akin. Hehe. :)

Linggo, Marso 04, 2012

BLOGGING STARTS WITH WHAT?


Paano ba sinisimulan ang blog? Anyone? It's the 4th day of March, year 20 and 12, sunday. Nakaupo ako ngayon sa harap ng laptop habang pinipiga ang isip kung anong pwedeng maisulat para sa una kong blog. (At the same time, nagna-9gag mode, multitasking lang. Hihihihi). Sabi sakin noon, kung magsusulat daw ako ng anumang uri ng sulatin, dapat ko raw munang gawin ang isang ritwal. Itinuro 'to sakin ng boss ko nung internship. He said, “Chris, you should think first of the greatest moments or experiences of your life before writing anything.” Ang totoo, hindi naman talaga sa wikang Ingles niya sinabi yun. Nyaha! Anyway, he explained, that with those great memories of mine, I can write with positivities. Positivities na tutulong sakin para mapiga ang mga creative juices ko, kung meron man. Sa mga sandaling ito, ginagawa ko na ang ritwal. Honestly.

Crock! Crock! Crock! (sound of crickets)

After 23 minutes. Baka maubos lang ang araw ko sa kakaalala ng mga greatest experiences ko at hindi na ko makasulat. (Para sa nagbabasa dyan) Dora's way of speaking --- Ola! Tulungan mo ko mag-isip ng mga moments? Meron ka bang naaalalang good memories with me? (Limang secondo na titigil) Very good! Hihihi... Interactive lang??

Kung tatanungin kung bakit ako nagsimula na mag-blog, eh maybe, this would be a start to post and share any entries of my life experiences and journeys. This will be the time para naman mabasa ng ibang tao kung ano at sino ako sa pamamagitan ng mga journals na isusulat ko. And with these, baka may matutunan sila (hopefully) mula sakin, if meron man. And actually, nagblog ako dahil nainggit din ako sa mga kaibigan kong nagbloblog. Hehehe. But, see? Meron din kayang nabibigay na magandang dulot ang inggit. Dahil sa inggit, nagsimula na ko mag-blog. Which means, I can excercise my creativities, imaginations and mental abilities to write and think beyond any limitations.

But going back to my question that says, ano ba talaga ang pwedeng maisulat bilang panimula sa isang blog? Pagpapakilala ng sarili? Hmmm, nope. I don't think so. Dahil kung ibibigay ko kung sino at ano ako, maaaring pindutin ng kahit sino mang mambabasa diyan, as in mambabasa diyan ang “Close tab” button. Maybe because, they would find it quite boring to tell them those informations about me. Tsaka this is not a bio-data to share those stuffs. For me, my daily journals will be the puzzle pieces for others to know me. (Corny ba?!) Hehe.

Anyway, hindi pala madaling simulan ang magkaroon ng blog. Pero, ganito naman yata talaga ang nagsisimula. Sa susunod na mga journals ko, sana mas maging magaling pa ako magsulat. Tagal na rin kasi akong hindi nakapagsusulat. Mabuti nalang, I was effectively influenced ng mga kaibigan kong matagal nang nag-bloblog. Atleast, meron na kong lugar ng pagbubuhusan ko ng mga kaligayahan, kasaganahan, kalungkutan, kasawian at kasiyahan ko at kung ano pa mang kakakaka ko sa buhay,

:))

I will end this first journal by sharing you the qoute that says,
Your blog is what you say when there is nobody standing over your shoulder telling you what to do.” - LORELLE