Mga Pahina

Lunes, Marso 26, 2012

GRAD – WHICH WAY? - TION


Dalawang araw matapos maganap ang pinakahihintay kong graduation ceremony ko sa college, ngayon ay nakaupo ako kaharap ang laptop, habang nagbabasa ng mga facebook posts ng ilang graduates tungkol sa kanilang mga graduation experiences; at nag-viview ng mga pictures nila. Habang ginagawa ko ito, mas nagiging sentimental ako sa mga ala-alang iniwan sakin ng mga kaibigan ko, ng beloved kong Ateneo, at ng mga butihing kong mga guro.

Nangyayari na ang pinaka kinakatakutan ko, “the feeling of being lost”. Pero sabi nila, normal lang naman ang ganitong pakiramdam pagkatapos mag-graduate. What's next? Ano na nga bang daan ang naghihintay sakin bukas? Rough road ba? O sementado na kaagad? Zigzag roads ba na may mga signs that say “Slow down, accident prone area” o “Slippery when wet”? O tuwid na daan kaagad? May humps ba? At sino ang mga taong makakasalubong ko sa mga daan na ito? Sinong makikisabay sa byahe ko, at sino ang hindi makakatagal kasama ako? Saan ba patungo ito? These are just some questions that really challenge me to have the doors of opportunities and risks.

This graduation is not an ending, it is a beginning. And “Beginnings are always hard.”

Sa puntong ito, sisimulan ko na ang paghanap ng mga kasagutan sa mga katanungang meron ako. At sa pagkawala kong ito, I will never be tired to find the best places for myself. Happy graduation sa akin. Hehe. :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento