Paano
ba sinisimulan ang blog? Anyone? It's the 4th day of March, year 20
and 12, sunday. Nakaupo ako ngayon sa harap ng laptop habang pinipiga
ang isip kung anong pwedeng maisulat para sa una kong blog. (At
the same time, nagna-9gag mode, multitasking lang. Hihihihi).
Sabi sakin noon, kung magsusulat daw ako ng anumang uri ng sulatin,
dapat ko raw munang gawin ang isang ritwal. Itinuro 'to sakin ng boss
ko nung internship. He said, “Chris, you should think first of the
greatest moments or experiences of your life before writing
anything.” Ang totoo, hindi naman talaga sa wikang Ingles niya
sinabi yun. Nyaha! Anyway, he explained, that with those great
memories of mine, I can write with positivities. Positivities na
tutulong sakin para mapiga ang mga creative juices ko, kung meron
man. Sa mga sandaling ito, ginagawa ko na ang ritwal. Honestly.
Crock!
Crock! Crock! (sound of crickets)
After
23 minutes. Baka maubos lang ang araw ko sa kakaalala ng mga
greatest experiences ko at hindi na ko makasulat. (Para sa
nagbabasa dyan) Dora's way of speaking --- Ola! Tulungan mo ko
mag-isip ng mga moments? Meron ka bang naaalalang good memories with
me? (Limang secondo na titigil) Very good! Hihihi... Interactive
lang??
Kung
tatanungin kung bakit ako nagsimula na mag-blog, eh maybe, this would
be a start to post and share any entries of my life experiences and
journeys. This will be the time para naman mabasa ng ibang tao kung
ano at sino ako sa pamamagitan ng mga journals na isusulat ko. And
with these, baka may matutunan sila (hopefully) mula sakin, if
meron man. And actually, nagblog ako dahil nainggit din ako sa mga
kaibigan kong nagbloblog. Hehehe. But, see? Meron din kayang
nabibigay na magandang dulot ang inggit. Dahil sa inggit, nagsimula
na ko mag-blog. Which means, I can excercise my creativities,
imaginations and mental abilities to write and think beyond any
limitations.
But
going back to my question that says, ano ba talaga ang pwedeng
maisulat bilang panimula sa isang blog? Pagpapakilala ng sarili?
Hmmm, nope. I don't think so. Dahil kung ibibigay ko kung sino at ano
ako, maaaring pindutin ng kahit sino mang mambabasa diyan, as in
mambabasa diyan ang “Close tab” button. Maybe because, they would
find it quite boring to tell them those informations about me. Tsaka
this is not a bio-data to share those stuffs. For me, my daily
journals will be the puzzle pieces for others to know me. (Corny
ba?!) Hehe.
Anyway,
hindi pala madaling simulan ang magkaroon ng blog. Pero, ganito naman
yata talaga ang nagsisimula. Sa susunod na mga journals ko, sana mas
maging magaling pa ako magsulat. Tagal na rin kasi akong hindi
nakapagsusulat. Mabuti nalang, I was effectively influenced ng mga
kaibigan kong matagal nang nag-bloblog. Atleast, meron na kong lugar
ng pagbubuhusan ko ng mga kaligayahan, kasaganahan, kalungkutan,
kasawian at kasiyahan ko at kung ano pa mang kakakaka ko sa
buhay,
:))
I
will end this first journal by sharing you the qoute that says,
“Your
blog is what you say when there is nobody standing over your shoulder
telling you what to do.” - LORELLE