|
MY RUBIK'S CUBE |
NAPADAAN
AKO SA NATIONAL BOKKSTORE PARA MAKABILI NG LIBRONG GUSTONG GUSTO KONG
MABASA. SA HINDI KALAYUAN, NAPANSIN KO YUNG KINABABALIWAN KO AT NG
MGA KAIBIGAN KO NOONG HIGH SCHOOL --- RUBIK'S CUBE. (FLASHBACKS
HAPPENED). ITO ANG NAGPAALALA SAKIN SA MGA NAGDAANGKONG MGA PANAHON.
ANG HIRAP ISIPIN NA NABUBUO KO NOON ANG RUBIX CUBE. NAPABILI TULOY
AKO NANG BIGLAAN (FOR FUN).
HABANG
BINUBUO KO ANG CUBE, HIRAP NA HIRAP NA AKONG GAWIN ULIT ITO. ANYARE?
EH, SA WALA NANG PRACTICE. KAYA NAG-ABALA AKONG I-CHECK SA INTERNET
KUNG PAANO NA ULIT ITO MABUO. NANARIWA ULIT ANG GALING KO DITO.
SUBALIT,
MAS MALALIM PA PALA ANG MAIBIBIGAY NA KAHULUGAN SAKIN ANG PAGBILI
ULIT NG RUBIX CUBE BUKOD SA MAGPAPAALALA ITO SA MGA LIPAS NA PANAHON.
NAPAISIP AKO. ANG RUBIK'S CUBE AY PARANG ISANG PAGKATAO. MAY IBA'T
IBANG KULAY NA BUMUBUO DITO PARA MATAWAG NA RUBIK'S CUBE. KUNG BAGA
SA TAO, MAY MGA KWENTONG NAKAYAKAP PARA NA NAGPAPABUO SA PAGKATAO.
BLUE/YELLOW
(SYMBOLIZES OPTIMISM) --- MAGAAN SA MATA ANG KULAY NA ITO. KAYA,
GANUN NA LAMANG ANG PAGKAPABORITO KO DITO. KAYA PALA, NAPAKAPOSITBO
KONG TAO. AKO ANG TIPONG HINDI AGAD NAWAWALAN NG PAG-ASA. (99%
MISCHANCE AT 1% CHANCE) --- ITO MINSAN ANG PROPORSYON SA IBA KONG MGA
PROBLEMA. PERO PARA SAKIN, ANG 1% CHANCE AY MANANATILING CHANCE,
KAHIT 1% LANG ITO. A CHANCE IS A CHANCE. (THE POSSIBILITY OF
FUTURE SUCCESS).
“SUCK
LESS TO SUCCESS.”
ORANGE
--- KADALASANG KULAY NG PAPALUBOG NA ARAW. (SUNSET: THE SUN FALLS
BELOW THE HORIZON) METHAPHORICALLY, AN ENDING. LAHAT NG BAGAY AY MAY
KATAPUSAN. PERO LAHAT AY MAY KATAPAT NA SIMULA. GUSTONG GUSTO KO ANG
PAGSILIP SA PAPALUBOG NA ARAW. NGUNIT HINDI IBIG SABIHIN NA GUSTO KO
ANG PAGTATAPOS NA ITO. DAHIL ALAM KONG SISIKAT AT SISIKAT DIN ITO
KINABUKASAN. SA LAGAY KO, TAPOS NA KO NG PAG-AARAL. SUNOD AY ANG
PAGHANAP BUHAY. “ANG PAGHAHANAP NG MISMONG BUHAY.” ANG SIMULA NG
PAGTUPAD SA MGA NAUNANG MGA PANGARAP NA BINUO KO NOON.
GREEN
--- LUNTIAN. ITO ANG KULAY SA KAPALIGIRAN (KAY MOMMY NATURE).
TINATAWAG KO ANG SARILI KO NA SOMEHOW ECO-WARRIOR. NASASABI KO TO
DAHIL NASASAKTAN AKO SA TUWING NAKAKAITA AKO NG MGA TAONG UMAABUSO
RITO. PERO HINDI AKO TULAD NG IBA NA HANGGANG GALIT LANG AT WALANG
GINAGAWANG PARAAN PARA MAKATULONG. KAMI AY MAY JUNK SHOP.
IPINAGMAMALAKI KO TO. NALIWANAGAN AKO NA HINDI DAPAT IKAHIYA ANG
BUSINESS NA ITO. KUNG TUTUUSIN, KAMI ANG NAGIGING ISANG DAAN PARA
MAPAKINABANGAN PA ANG MGA PATAPONG LATA NG SARDINAS, BOTE NG MGA
INUMING MINERAL AT MAGING ANG MGA BAKAL NA HINDI NA MAPAPAKINABANGAN.
NAKAKATULNG NA SA KAPALIGIRAN, NAGIGING PERA PA. LAGI KONG SINASABI
SA SARILI KO NA SANA MAISABI KO SA NAKAKARAMI ANG SIKAT NA KASABIHANG
“WE DID NOT INHERIT
THE EARTH FROM OUR ANCESTORS, WE BORROW IT FROM OUR CHILDREN.”
ISANG
KASABIHANG MAPAPASABI KANG, “OO NGA NOH?!” SANA ISA KAYO SA MGA
MAPAPASABI NITO.
RED
--- (SYMBOLIZES ALL THINGA INTENSE AND PASSIONATE) AKO ANG TIPO NG
TAO NA KAPAG ANG GUSTO ANG ISANG BAGAY, NAGIGING MAS PASSIONATE AKO.
YUN LANG, BASTA PASSIONATE AKO. PERIOD. :p
WHITE
--- ANG PUTI AY HINDI KAILANMAN MANANATILING MAPUTI. DARATING AT
DARATING ANG PUNTONG MADUDUNGISAN ITO. PARANG ISANG TAO. “WALA.
WALA NAMAN. WALA NAMANG PERPEKTONG TAO”, AYON SA KANTA NI DONG
ABAY. NGUNIT SA MANTSANG ITO, DITO NATUTUTO ANG TAO KUNG PAANO MAGING
ISANG TAO. SA MANTSA NAHUHUNOG ANG SARILI. AKO'Y HINDI PERPEKTONG
TAO. SA HALIP, GINAGAWA KO ANG LAHAT PARA MAGING ISA SA MGA
PINAKAMAHUSAY.